Wednesday, February 17, 2010

Guni-Guni sa Takipsilim

Marahil hindi mo alam
hilig ko ang mag-ukit
ng ngalan mo
sa puno ng lauan
habang ginugunita
ang mga sandaling
ika'y naaaninag
ilang dahon na
ang nalanta
bumitiw
upang makiisa sa lupa
tulad ko lamang
na natitigang
pinahihina ng kalbaryo ng kalungkutan
paano ba ako makasasabay
sa pag-ihip ng hanging
mapanlinlang
gabayan mo ako
tanging hiling sa kalikasan
upang makaahon
kaluluwa kong pinagsumakitan.

1 comment:

  1. i LOVE this! ngayon ko lang nalaman na marunong ka palang tumula :D

    ReplyDelete